Nuestra Señora de Asuncion
Sariwa pa sa aking gunita noong ako’y bata pa tungkol sa alamat at kwento-kwento tungkol sa edipisyo malapit sa aming barangay. Ito’y napapalamutian ng iba’t ibang gawang kamay na nilikha pa ng mga sinaunang pintor. Ang mga dingding at haligi nito ay gawa pa mula sa mga dambuhalang coral stones. Ayon kay Inay, noong sinaunang panahon, inatake raw ang mga Dauisanon ng mga mababangis na pirata. Bumulabog, tumakot at gumambala noon sa matiwasay na pamumuhay ng mga tao sa Dauis. Ang mga taong takot na takot ay dumulog sa simbahan at doon namalagi hanggang ang mga pirata ay yumaon. Pero bago sila umalis ay nanatili muna ang mga ito ng ilang mga araw at gayundin ang mga takot na Dauisanon. Wala na silang makakain sa loob at noong mga panahong napapawi na ang kanilang pag-asa ay biglang lumitaw ang mahiwagang balon sa paanan ng altar ng umaapaw na tubig. At ito ang bukod tanging tubig na nakabuhay sa kanila. Kahit na ang balong yaon ay malapit sa dagat, lasa itong tubig-taba