Nuestra Señora de Asuncion
Sariwa
pa sa aking gunita noong ako’y bata pa tungkol sa alamat at kwento-kwento
tungkol sa edipisyo malapit sa aming barangay. Ito’y napapalamutian ng iba’t
ibang gawang kamay na nilikha pa ng mga sinaunang pintor. Ang mga dingding at
haligi nito ay gawa pa mula sa mga dambuhalang coral stones. Ayon kay Inay,
noong sinaunang panahon, inatake raw ang mga Dauisanon ng mga mababangis na pirata.
Bumulabog, tumakot at gumambala noon sa matiwasay na pamumuhay ng mga tao sa
Dauis. Ang mga taong takot na takot ay dumulog sa simbahan at doon namalagi hanggang
ang mga pirata ay yumaon. Pero bago sila umalis ay nanatili muna ang mga ito ng
ilang mga araw at gayundin ang mga takot na Dauisanon. Wala na silang makakain
sa loob at noong mga panahong napapawi na ang kanilang pag-asa ay biglang
lumitaw ang mahiwagang balon sa paanan ng altar ng umaapaw na tubig. At ito ang
bukod tanging tubig na nakabuhay sa kanila. Kahit na ang balong yaon ay malapit
sa dagat, lasa itong tubig-tabang. Sinasabi pa nga na ito daw ay may “healing
powers” na nakakagamot sa iba’t ibang
uri ng sakit. Ika nga’y ito’y isang tunay na HIMALA!
Agosto 15, 2015- Pagbaba ko pa lamang sa aming motorsiklo
ay naramdaman ko na ang pagmamahal at pagiging
Umangkas
na kami sa aming motorsiklo upang umuwi pabalik sa aming pinanggalingan. Habang
pauwi ay natatanaw ko na ang mga ilaw sa gabing mapanglaw na waring
nagmamartsa. Takipsilim na pala at ang paglubog ng araw ay nakakapawi ng
pighati at pagkabagabag. Ang mapayapang alon ay nagpapaluwag ng damdamin sa
sinumang tumingin nito. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa aking isipan at
pumatik sa aking puso ang di malilimutang kagandahan ng Dauis. Hindi lang sa
isla mismo ang may kagandahan pati na rin ang mga kagila-gilalas na katangian
ng mga Dauisanon. Ang aking mga karanasan ay nananatili na lamang mga alaala at
habang buhay na mananahanan sa puso at isipan.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento