A ng mga bubuyog ay isa sa mga napakaraniwang insekto sa lupalop ng daigdig. Maraming katangian ang mga bubyog na nakapagdudulot ng kasamaan at kabutihan na pinakikinabangan ng sangkatauhan. Ang bubuyog ay kilala sa pagiging abala. Insektong walang gustong gawin kundi magtrabaho at kumayod buong araw. Isang nilalang na maihahalintulad natin sa mga Pilipino. Ang mga bubuyog ay maiingay na hindi mawawaring kapansin-pansin sa mga mamamayang Pilipino. Kahit na nagtatrabaho ay panay ang chismis at ngawa ng bibig. Kung kaya minsan,nakakarinig ang pinaparinggan ng mga bagay na hindi niya dapat napakinggan, hindi po ba? Samakatuwid, nakapagdudulot ito ng pagka-irita at away. Munti man ito sa ating paningin, subalit huwag itong maliitin. Katiting kung ito’y dumating, ngunit ito’y tumusok ay nakakaramdam tayo ng hapdi. Kagaya nating mga Pinoy, maliit man tayo sa paningin ng iba, tayo rin ay kahila-hilakbot at hindi basta-basta. Nakakasakit kung nag-iisa at nakakamatay kung sama-sama.
Who is the composer of this song?
TumugonBurahin